About Me

My photo
Quezon City, Philippines
Paramore and Linkin Park fan. I still support OPM. I always do.

Stop this song..

Music lover.
This is my life.
And I won't be able to give up on this.

Red has been my ultimate favorite color. For me, it stands for passion and dedication.

I am also a band lover..
Especially, Paramore..
They're cool, awesome,funny,excellent,dedicated..
The personality that this band have is being humble..
And that is the main reason why this band stand out for me.. They know how to jive-in to their fans..
They know how to appreciate..
So they are my number one =)

I can describe myself to you as an extraordinary..
(not the one with a third eye's or sixth sense or something)
what I mean is.. I can be as lovable as teddy bears..
I can also be as dangerous as fire..
I can be your best-est friend and worst-est enemy..

Follow me and let us start a new relationship out of this :)

Saturday, January 29, 2011

Soul mate?

Sabi ng marami, yan yung taong itinadhana para sayo. Yun bang pareho kayo ng gusto, pareho kayo ng ayaw at pareho kayo sa lahat ng bagay.

Sabi naman nung iba, soulmate na daw nila yung mga taong kaya silang intindihin, yung kaya silang ipaglaban kahit kanino, kahit saan at kahit paano.

Nagsearch ako kung ano nga ba ang tunay na ibigsabihin ng soulmate, sabi dun "match made in heaven." Naisip ko, "match made in heaven?" sila ba yung mga taong pinagpala? Yun bang pinagpala na mahalin ng mga taong pinili nila, pero pano kung hindi ka mahal nung taong mahal na mahal mo? Soulmate parin ba tawag dun? Match made in heaven o match never mind?

Hindi ako naniniwala sa soulmate, dahil una, soul mate is for souls who are seeking attention, pangalawa, I don't want to depend everything into it at pangatlo, the person I strongly love doesn't love me in return. Soulmate pa rin bang matatawag kung isa lang ang nagmamahal? Soulmate parin ba kahit na nasasaktan ka na? Soulmate parin ba pag kahit kamustahin ka hindi niya magawa?

Signs minsan ang ginagawang signal para malaman kiung siya na yung soulmate mo, pero pano pag nangyari nga yung mga signs na yun pero hindi dun sa taong mahal na mahal mo? Pano kung nagkatotoo yung sign na hinihingi mo sa tao ngang mahal mo pero ikaw naman yung hindi niya mahal? SOULMATE PA RIN BA YUN?

Sa labing walo kong taon kong pananatili sa mundong to, isang beses lang akong humingi ng sign, nangyari nga pero hindi naman dun sa taong mahal ko. Gustuhin ko mang ipilit na sana ibigay Niya nalang siya saki, nauuwi pa rin ako sa mga katagang, "ganun talaga ang buhay, aasa kang mamahalin ka rin kahit konti pero sa huli makikita mo lang yung sarili mo na nagmumukhang tanga para sakanya."

Habang nasa biyahe ako ng buhay, nakikita at nalalaman ko kung gaano kakulay ang mundo, kung gaano kaingay ang mga kalsada, kung gaano kasaya ang edsa at kung gaano ko siya bigyan ng atensyon at wala lang yon sakanya. Sabi ng marami, makikita mo din yung taong "itinadhana" para sayo, destiny nga daw pagnagkita kayo at nagkatinginan sa mata at mahulog sa isa't-isa.

Destiny?
Tadhana?
Kapalaran?
Sabihin na nating pinagtagpo nga kayo ni Kupido. Nagtagal kayo. Matagal na sumaya sa isa't-isa. Tadhana parin ba ang mga gawa nun? Tadhana din ba ang may gawa pag nagkahiwalay kayo ngh hindi sinasadya? Tadhana din ba na masaktan ka?
Gusto kong makilala si Kupido at ipakwento sakanya kung ilang puso na ba ang napaluha niya. Kung ilang ngiti na ba ang nagawa niya.

Ikaw, hahayaan mo ba ang sarili mong isugal ang puso mo kay tadhana? O hahanapin mo ang sarili mong saya gamit ang iyong mga mata?