Saan kaya ako pwedeng magsimula?
Kailan kaya ako makakapagsimula?
Bakit ba kailangang magsimula kung magtatapos lang din naman?
Paano ba magsimula kung ayaw mo namang matapos?
Minsan, iniisip ko.. Tama kaya yung mga desisyon na nagagawa ko sa araw-araw?
Tama kaya yung mga bagay na nabibitiwan kong salita sa mga taong nakakasalamuha ko?
Ano kayang mangyayari bukas?
Tapos sa bukas pagkatapos ng bukas?
Minsan, iniisip ko, sana madali nalang sumagot ng mga tanong noh?
Sana madali nalang tumanggap ng masamang balita.
Sana madali nalang tumanggap ng pagkatalo.
Sana iba ako.
Sana ako, siya.
Kaso, hindi.
Iba ako. Iba siya.
Diba sabi nila, pagpinilit mong hanapin yung wala sayo, hindi ka kailanman sasaya?
Pero, bakit ako?
Nakita ko na siya, pero wala siya sakin, pero masaya pa din ako?
Anong tawag dun?
Martir o mapagbigay?
Haha. Pano nga ba ko magiging mapagbigay kung nung una palang hindi naman siya naging akin?
Hmm.. Siguro, mali yung sabi nilang hindi ka sasaya kung pilit mong hinahanap yung wala sayo..
Baka ang gusto nilang sabihin, madali lang maging masaya, ang dapat lang, imulat mo ang iyong mga mata.
Nagawa mo na ba yun?
Kung ako ang tatanungin, malamang hindi pa.
Kasi alam kong hanggang ngayon, bulag padin ako sa katotohanang masaya ako dahil nandiyan siya.
Pagpinikit mo yung mga mata mo, anong nakikita mo?
Madilim diba?
Pero kahit papano, may naaaninag kang liwanag.
Yun siguro yung gusto nilang sabihin, yung liwanag na yon ang makakapagsabi ng kung ano ang makakapagpasaya sayo.
Sana madali nalang magmulat ng mata at tanggapin kung ano ang nasa harap mo na.
Sana madali nalang tumanggap ng mga bagay-bagay.
Kaya lang, hindi ganoon.
Tao lang tayo.
May mga bagay na gusto nating ipaglaban kahit man lang sa huli.
May mga bagay na gusto nating baguhin.
May mga bagay na pilit nating binabago kahit sa huli, talo na tayo.
Kasi nga, tao lang tayo.
Ganoon tayo ginawa.
Ganoon tayo tinuruan.
Yun bang ‘wag basta basta sumuko sa mga pagsubok na darating sayo.
Ikaw?
Saan mo balak magsimula?
Kailan mo nalalaman kung dapat ka pa bang lumaban?
Paano ba ang tumanggap ng pagkatalo?
Bakit ba kailangan may natatalo?
Sana madali lang malaman.
Sana malaman ko na.
Sana matanggap ko na.
Sana sabihin na din ng panahon na, tama na.
At paggising ko, wala na lahat.
Tapos alam ko na kung saan, paano, kailan at bakit ko kailangan magsimula.