About Me

My photo
Quezon City, Philippines
Paramore and Linkin Park fan. I still support OPM. I always do.

Stop this song..

Music lover.
This is my life.
And I won't be able to give up on this.

Red has been my ultimate favorite color. For me, it stands for passion and dedication.

I am also a band lover..
Especially, Paramore..
They're cool, awesome,funny,excellent,dedicated..
The personality that this band have is being humble..
And that is the main reason why this band stand out for me.. They know how to jive-in to their fans..
They know how to appreciate..
So they are my number one =)

I can describe myself to you as an extraordinary..
(not the one with a third eye's or sixth sense or something)
what I mean is.. I can be as lovable as teddy bears..
I can also be as dangerous as fire..
I can be your best-est friend and worst-est enemy..

Follow me and let us start a new relationship out of this :)

Saturday, April 10, 2010

The route..

Jessica's place- McDonald- San Mateo- Montalban Rizal

Ito ang route na pinuntahan ko kahapon.. Kasama ang aking friends! :)
Madami din akong nakitang bago..
Bagong lugar..
Bagong tao..
Tulad nlang yung tricycle driver na over sa pgtulong samin para makakuha ng jeep papunta dun sa mismong venue..
Yung guard na wagas kung makakalabit. haha!

Ang saya..
Parang ayoko na nga lang matapos yung araw na yun kasama sila! :D
Yung bawat saya, ngiti, at hagalpak ng bawat naming tawa..
Parang ayoko na lang isipin kung ano ng mangyayari sa kinabukasan..
Parang gusto ko tumigil na lang yung oras.. Kasama SIYA.. Kasama sila..

Pagdating namin sa lugar..
Kanya-kanyang bihis na..
Kuha ng litrato dito..
Kuha ng litrato doon..
Ngiti dito..
Ngiti doon..
Pose dito..
Pose doon..

Habang nagbibihis yung iba..
Naghahanda naman ako para sa mga kakainin namin..
Bukas ng tupper ware dito..
Tupper Ware doon..
Pagtapos nilang magayos at magbihis..
Kumain muna kami ng hapunan bago lumusong sa tubig..
Ramdam ko yung lamig..
Nanunuot sa katawan ko..

Maya-maya nagulat kami..
"umuulan ng yelo" sigaw ko. Sabay tawa.
May nanggugulo sa gabing hinintay ko..
Ang daming bato rin ang nagliparan nun..
Tawa kami ng tawa..
Sabi namin..
It's a sign!
sign na wag na nating ituloy.
Sabay tawa..

Maya-maya habang kumakain..
Nagaasaran kami..
Lumipat ako ng pwesto para makakuha ng maayos..
Para maabot ko na rin yung kanin..
Lahat kmi pagod sa biyahe..
Gutom..

Nakasabay ko siya na kumuha ng kanin..
Asaran parin kami..
Hanggang sa naramdaman ko nalang na yapos na niya ko..
Habang tumatawa..

Aaminin ko..
Iba ang dating sakin ng yakap nyang yun..
Sa tagal naming magkaibigan..
Nung gabing lang yun xa naging ganun sakin..

Aaminin ko..
Bumalik yung nararamdaman ko sakanya..

Aaminin ko..
May spark akong naramdaman..

Nang matapos na kaming kumain..
Lusong na sa tubig yung iba..
Pero ako..
Hindi muna..
Nagmuni-muni muna ko kasama ang dalawa kong best friend..
Picture muna kami..
Bonding..

Tapos..
Inaya ko na silang magswimming narin..
Pumayag sila..
Ang lalim pala..
Hindi ko abot.
Isang tapak ko lang..
Pwede na kong malunod.
Kaya umupo na lang kami sa gilid kasama yung iba..

Sa haba ng oras naming nkalubog sa tubig..
Isa-isa na rin kaming umahon at kumain ulit..
Habang yung iba bumalik sa pool..
Siya, ako at si Regg ay nanatili na lang na nakaupo habang tintignan sila..
Pagtingin ko sa likod..
Tulog na rin pala sina Jess at Jeffrey..
Pagtingin ko sa kanan ay tulog na rin pala si Regg..

Nagtanong ako ng oras sakanya..
"1 yata" sagot nya..
Tsaka ako humanap ng magandang pwesto para makaidlip ng konti at makabalik sa pool maya-maya..
Nang makahanap na ko..
Bigla siyang nagsalita..
"pahiga ha?"
at dumantay siya sa aking mga balikat..

Aaminin ko..
May naramdaman ako..
Aaminin ko..
Kinilig ako..
Aaminin ko..
Bumalik yung nararamdaman ko sakanya..

Nagusap kami..
Habang nakahiga siya saking mga balikat..
"tara! kwentuhan nalang tayo"
sabi nya..
Nagkwento siya ng mga nangyayari sakanya, sa eskwela..

"ang gulo nga ng prof na yun eh.. Kaya dito nalang kami nagovernight.. Umaga na rin ako nakauwi.. Hnatid ko pa kasi si ________"

Nung oras na yun..
Natigilan ako..
Aaminin ko..
May kirot akong naramdaman..
Aaminin ko..
Masakit..
Aaminin ko..
Nagselos ako kahit hindi naman dapat..
Kahit alam kong mali..
Hindi ko alam kung anong isasagot ko..
Kung tatanong ko ba kung sino si kaye..
Kung magkukunwari nalang ako na nakatulog habang nagkkuwento siya..
Natahimik nalang ako..
Natahimik na rin siya..

*sana hindi nya nahalata*
sabi ko sa isip ko..
SANA..

Hindi pa rin kami naguusap..
Nakahiga lang siya sa balikat ko..
Hanggang sa naisipan kong lumayo muna saglit..
Ginising ko yung bestfriend ko para umikot muna..
Habang yung iba nasa pool..
Nagkakatuwaan..
Inaya ko na rin yung bestfriend ko na magpalit na..
Pumayag naman siya..

Sandali lang din nung umahon silang lahat..
Nagpalit na rin sila..
Naidlip muna ko habang hinhintay sila..
Pag gising ko..
Hindi pa pala lahat sila tapos na..
Kaya umupo muna ko tsaka binaba ang ulo para makaidlip ulit..

Umupo nalang ako nung hindi na ko makaidlip pa..
Dumating n siya..
Natapos narin siyang magayos..
Umupo siya sa tabi ko..
Nakita niya sigurong inaantok ako kaya pinahiga niya ko sa mga bag muna..
Pinatong niya yung bag ng bestfriend ko sa bag ko tsaka siya sumenyas na humiga na ko..
"magandang ideya"
yun nalang ang nasagot ko..

Nahiga ako sa mga bag na yon..
Pero ang totoo hindi talaga ko natulog..
Pinakiramdaman ko lang siya kung babantayan niya ko habang nagbibihis yung iba..
Sinisilip-silip ko siya..
Nagbabantay siya habang may kausap sa phone..
Gusto kong tumayo dun.
Gusto kong itanong kung sino yun..
Pero hindi ko magawa..
At wala rin akong karapatang gawin..

Maya-maya..
Hinawakan niya ko..
Pinatong nya ang mga kamay nya sa balikat ko na parang sinasabing..
"'wag ka mag alala babantayan kita"

Sandali lang nun..
dumating na sila..
Maingay nanaman..
Pero nakahiga parin ako..
Naramdaman ko nalang na inangat ako ng bestfriend ko..
Dumilat ako..
Pagtingin ko..
Babasahin lang pala nila kung ano yung nakalagay sa t-shirt ko..
Humiga ulit ako..
Sa sandaling yun..
Sa mesa ako nakadantay..
Kinuha nya yung kamay ko..
"kawawa naman si jheng.. Higa ka na ulit dito"
Sabi nya..
Sabay kuha sa balikat ko para ihiga ako ulit sa mga bag..
Hanggang sa maihiga niya ko ng maayos ay nakahawak pa rin siya sa mga balikat ko..

Aaminin ko..
Naramdaman ko yung concern niya..
Aaminin ko..
Mali na..

Habang nakadantay ako sa mga bag..
Ramdam ko na gusto niyang hawakan ang mga kamay ko..
Hanggang sa umuwi na kami..
Iniisip ko parin kung dapat bang ganun ang isipin ko sa mga ginawa niya?
O msyado ko lang nilagyan ng kahulugan ang mga iyon?

Meron siyang ibang mahal..
Pero gusto ko siya..
Ano bang magagawa ko?
Wala naman, hindi ba?
Kundi hayaan nalang na mawala ulit tong nararamdaman na to..
Hahayaan ko nalang na ang pnahon ang magsabi kung kelan dapat ko siyang mahalin..
Yung tama na..
Yung hindi na mali para sakin..
At para saknya..

Kung mababasa man niya to..
Sigurado akong malalaman niya na kagad na siya ang tinutukoy ko dito..
At hindi ko rin naman alam kung magugulat siya o matatawa..
Basta alam ko..
Mawawala na rin naman to..
Siguro..
Naging sabik lang ako masyado..
Dahil sa tagal na hindi ko siya nakita..

http://www.youtube.com/watch?v=AWd6yyMkFuI

No comments:

Post a Comment